Sabado, Pebrero 11, 2017

Hindi pa Tayo Tunay na Malaya






"Tayo ay parte ng ating lipunan. Patilipunan natin ay nangangailangan ng ating boses para tugunan itong mga pangangailangan..." ani ni Aaron Bonette.

Ika - 10 ng Disyembre, taong 2016, alas nuebe ng umaga, nagkita-kita ang mga estudyante ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa CEFI para sa gagaanaping "Arts for Human Rights". Maulan ang panahon, kaya ang ilan ay may dalang payong. Nag-ikot ang mga estudyante sa likod ng Pacific Mall para hanapin ang paggaganapan ng programa.

Isang tent ang natagpuan na may pangalan ni Don-Don Alcala, na may nakasabit na tarpaulin at nakasaad ang tema ng gaganaping aktibidad " Di tayo kasya dito" ani ng isang estudyante. Napagdesisyunan ng mga organizer na lumipat sa Activity Center ng Pacific Mall para sa mas malawak na lugar. Humingi ang mga organizer ng tulong sa mga estudyante para magbuhat ng kagamitan nila.

Alas diyes na ng umaga at medyo hindi pa ayos ang lahat. Habang abala ang lahat ay nagsalita ang isang babae "Para saan nga ba kung bakit tayo nandito? Nandito tayo para sa pagdiriwang natin ng Human Rights Day" at sinabi nya ang mga mangyayari sa maghapon.

Habang nag-aayos pa sila ay humingi muna sila ng mga pampasiglang bilang mula sa mga estudyante. Ang una ay may nag tula. Sina Oyie Lorico, Kyla Trisha Pitong, at Gwyneth Anne Cosejo, na kapwa tumula. At kumanta ang ilan pa. " huwag tayong mahiya na ipakita ang ating sarili o ipahayag ang ating saloobin dahil maswerte tayo, di gaya ng dati na walang kalayaan" ani ng isang organizer.

Tanghali na at napagdesisyunan nila na kumain muna ng tanghalian at pinababalik ang mga estudyante ng ala una ng hapon. Para ipagpatuloy ang nasimulang programa.

Ala una na ng hapon at isa-isa nang nagdadatingan ang mga tao. May nakahanda ng projector at white screen. May iba'-ibang art work na ang nakadikit sa mga poste sa paligid. Nag papakuha ang ilan ng mga litrato sa mga ito. May mga larawang nakahalik sa Pangulong Duterte sa pisngi ng dating Pangulong Marcos.

Nag-play ng isang palabas ang organizer tungkol sa buhay ng isang babaeng barbero. Habang nanunuod ang mga estudyante, abala ang ilan sa pagpipintura sa telang puti ng pinturang pula. Unti-unting umalis ang ilan sa mga estudyante. Nang matapos ang pinapanuod ay hindi pa rin tapos sila sa pagpipinta pero may nabuo na ditong larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahalik naman sa pisngi ng dating Pangulong Marcos.

Matapos 'yun ay nagsalita si Mr. Elvin Quizon, isang miyembro ng Anak ng Quezon na isang collaborative group mula sa iba't-ibang sektor ng ating lipunan. Mula sa hanay ng kabataan, propesyonal, artist, at iba't-ibang uri ng manggagawa sa gobyerno. Tinawag na anak ng Quezon, literally, dahil nagbuhat partikular sa Lungsod ng Lucena. Ayon sa kanya. Ani pa niya " It's part of our Bill of Rights as enshrined in our 1987 Constitution. To enjoy it, we must be willing to protect our rights."

"Tayo ay parte ng ating lipunan, pati lipunan natin ay nangangailangan ng ating boses para tugunan itong mga pangangailangan. Unang-una sa lahat ay itong pagdiriwang natin ng Human Rights Day. Ito ay panawagan sa pagsulong ng karapatan ng bawat isa dahil mula noon hanggang ngayon ay malala pa rin ang kalagayan ng karapatan, nandiyan pa 'yung patriarchy at iba pa." Ayon kay Aaron Bonette.

Matapos ang maghapon ay kasabay nito na natapos na din ang programa, at nagsiuwian na ang ilan. Ang iba naman ay naiwan at nag rally para sa karapatang pantao.